Subscribe Now: google

Add to Google Reader or Homepage

Personal - Top Blogs Philippines
Custom Search

Monday, November 10, 2008

Siksik, Liglig at Umaapaw


Last summer, while I was applying (and waiting) for a job at various companies at habang sumasaydlayn ng pagtitinda ng bote't diyaryo, we had a tradition. We called it TUESDAYS.
My friends and I got together every Tuesday( obviously). No need for texts, basta asahan mo yan by 3pm parating na silang lahat. The venue was at our place. Complete attendance pare. Simula pa nung college kami, uso na ang ambagan. Pepsi? ambagan. Yosi? ambagan. pati spout! hehehe.(sumalangit nawa ang kaluluwa ni Helen). So, yun nga mabalik tayo sa kwento ko. Kapag andiyan na yan, otomatik isang kaha ng Red Horse kaagad para may paunang sipa. ang pulutan mapa kornik (kapag tagtuyot sa pera) o mapa liempo (kapag bumabagyo ng pera).
Meet our tanggera:













Yan si ate Shey. ang pinaka the best na tanggera aside from Tina ang pinaka matibay na tanggera sa lahat. haha! Siyempre, lageng present yan si ate shey. At habang palalim ng palalim ang inuman, pataas din ng pataas ang tagay niya. siyempre, wala kaming karapatang mangwestiyon. Siya tanggera eh! Drinking is an art at hindi basta basta ang science of tagay. Pinag aaralan talaga yan ng ilang taon. Kung di mo na naitatanong may doctorate na sa tagayan si ate shey. Someday, ako din. hehehe! Moving on, (kelangan talaga ng mga transitions para kunwari marunong ako sa English)
Meet ang aming tagabili ng pulutan:

yan si Dan John, siyempre best friends sila ng tanggera namin para masarap timpla ng inuman. May secret ingredient ang mga pulutan. OO tama ka, pulutan is an art. Si dan john juris pulutan na ang degree niyan (sa mga di uminom, it means isa na siyang ekspert). Alam na niya ang timpla at panlasa ng bawat barkada. Kung may isang lalake man na nakakakilala saken (sa totoong ako) si Dan John yun. Kumbaga, siya ang best boy friend ko (baliktad ata?) ang kaso di ako naniniwala sa pagkakaroon na best friend kaya PAR nalang. Alam na niya likom ng bituka namin ni Karen at ganun din sa kanya. Naiyak nga ako nung sabi niya," I'm happy I have with me two of the best ladies of my life", nung bday niya yan. Sniff sniff! Anyway, pakibatukan nga ako kung saan saan nanaman ako napadpad.
Eto naman, meet Ms. Matinik a.k.a Walking Sex Appeal:
Eto si ate Milen. ang babaeng konpyusd pero babae pa din. hehehe! Forever a student at super tahimik na tao pero tunay na kaibigan to the bones. Lage din siyang present sa Tuesdays namin. Kaya siya walking sex appeal kasi kahit di nagsasalita ang lakas ng dating. ehem tested and proven. Siya ang OIC tanggera kapag absent si ate shey. Naka masters na din kasi.






Pagpatak ng mga alas singko, ubos na ang isang kaha. Waiter! este Kuya isa pang kaha. Ayan, may amats na. ngingisi lang yung iba, habang meron nang humahagalpak sa tawa. Mga laman ng kwentuhan tungkol sa buhay buhay. Kung anong gusto namin sa buhay. Sabi nung isa,matulog. I agree! dapat siya nalang ang gawing bayani ng pinas. Ang lalim ng pangarap niya sa buhay. Teka ha itagay ko muna, ang lalamunan ko'y uhaw na. Haba kasi ng kwento eh. Glok glok. hrrmm...
Ok, sige eto na ako ulit. Saan na ba tayo? ahh oo yung sa kwentuhan. Well, sa totoo lang di naman puro tawanan ang nangyayari kapag Tuesdays, meron ding drama at action. Nagkakaroon ng drama at action kapag ang mga batas na aming sinusunod ay nababayoleyt. Pero, minimal at under control 'ika nga. Kasi naman, basta lablayp na ang usapan ayan at pang FPJ at Judy ann na ang kwento o mas matindi pa. Takte! teka, naubusan daw ng para sa pangatlong kaha. Alas nwebe na, bilis noh? update: wala pang lupasay samin. Mga tambay sa bilyar nagtataka na sa lakas ng resistensya namin sa alak. Kanina pa pala sila nag aabang ng may matutumba. Good observers daw talaga ang mga tambay. In short, miron. Sa kabilang dako ng mundo, nagawan na namin ng paraan yung pangatlong kaha. May ice naman pala. Kinabahan ako dun, nagpalpitate ako ng husto. Buti nalang...andiyan si batman. So, papano? wala pakong balak tapusin tong kwento. Tagay ko na raw eh. Sa susunod na martes ulit.
BTW eto na, ang BARKADA: (actually, kulang pa)





















No comments: