Subscribe Now: google

Add to Google Reader or Homepage

Personal - Top Blogs Philippines
Custom Search

Tuesday, November 18, 2008

The Relativity of Bukas

Sikat na si Pepe. Nuong araw lang siya ay palaboy sa kalye. Naglalako ng yosi, candy at chicharon. Kinakailangan niyang maglako. Para may pambili siya ng iPod Touch. Maraming pangarap sa buhay si Pepe. Umaga palang, habang umiinom ng kape, gumagana na utak niya sa mga bagay bagay na pupwedeng pagkakitaan ng pera. Kung papano maging income generating ang kanyang kariton at tsinelas. Human labor. Diyan tumatakbo ang buhay (at survival) ng ekonomiya ng mga bansang nasa Third World. Di bale ng wala ni isang kaluluwa ang maiwan sa Pinas basta may maipadala lang na remittances. Di bale na ring kinakalawang na ang mga hospital na mukha ng ghost town basta makalipad lang papuntang Tate o Europa para hugasan ang mga puwitan ng mga banyaga. Di bale ng hindi na makatikim ng mga masasarap na pagkain basta mapagsilbihan lang ang mga customers sa mga nagpipitagang hotel and restaurants sa ibang bansa. Nung una, DH at Factory Workers hanggang sa Nurses, Doctors,Engineers,Mga Guro,at ngayon pati na rin mga Chefs at Restaurateurs. Lahat na ng sector ng Pilipinas ay unti-unti ng lumilisan patungo sa maling paraiso. Saan na pupulitin si Pepe? Sino ng papalakpak sa kanya ngayong sikat na siya? Makatarungan pa ba ang unti unting paglisan ng mga sector ng Pilipinas? Habang kayo ay nagpapakasasa (o nagkakandakuba kuba) sa perang natatanggap niyo sino pang mag aaruga sa mga naiwan niyong kadugo dito? ang magtuturo ng mga tamang asal at edukasyon na makakatulong sana sa pag unlad ng makabagong henerasyon na lulong na sa teknolohiya. Para saan pa ang kasikatan ni Pepe kung wala na siyang audience, nauna ng pumunta ng airport para habulin ang kanilang flight. Bakit hindi mo pakinggan muna ang saloobin ni Pepe, ang kanyang mga ideya sa ikauunlad ng Pinas at hayaan ipakilala niya kung sino siya. Umupo ka muna, makinig at ipagpabukas ang pagpunta sa ibang bansa... malay natin malaman mong mas maganda parin dito kesa sa ano mang parte ng mundo.

No comments: