Subscribe Now: google

Add to Google Reader or Homepage

Personal - Top Blogs Philippines
Custom Search

Tuesday, November 11, 2008

LFC


Our friendship is not found in any drug. Pano kami ang manufacturer! hehehe. Meet our godmother a.k.a INANG.
Siya ang apo ni Al Capone, Adolf Hitler at Marilyn Monroe. Deadly Combination. Others call her Ria, I call her Inang and Karen calls her Mommy. 23 palang siya pero she acted as our mentor kasi nung college. We followed her path (to stardom?) kaya we are where we are today, sa bahay. We met at LFC. Yung tambayan na ang membership ay exclusive pero hindi kami frat. ayaw namin yun. corny. We promote Peace. sumasama kami sa mga pulis mag patrol kapag gabi. Huwag mo ng tanungin meaning ng LFC. mahirap isfelingin. Basta, dating doon. Yun ang kumalinga sa mga mura naming mga utak at tamad pumasok na katawan. Unconditional Love. dahil kahit ganun kami nun, bukas ang pintuan ng LFC para sa amin. Pwera lang kung naubusan ng gamot sa utak si Helen ayun gera na. Sino si Helen? siya ang perfect example ng CONSERVE ENERGY. Pagka order namin ng litro ng Pepsi, otomatik na ding naka switch on ang ceiling fan. Sarap ng ihip ng hangin, nakakapawi ng tumatagatak na pawis dulot ng balot na uniform. Ahhh....teka, anong nangyari? bakit naka off na yung ceiling fan? Ubos na ang Pepsi. Ganun nga, ganun kabilis ang kamay ni Helen para i off ang ceiling fan-pagkabuhos ng huling patak ng Pepsi siya ring hudyat ng pagka off ng aming ceiling fan. Buhay nga naman. Kapag binagalan naman namin ang aming pag inom ng Pepsi, may memo galing kay Helen. " Bilisan niyo sa Pepsi, kelangan ko yung bote". Walang kawala kay Helen the daga. hehehe! ayun, imbento ko lang yung daga. Anong ginagawa namin sa mga oras namin sa LFC? actually, napaka productive namin. Merong gumagawa (o nagkakat-ta) ng assignment sa major niya, deadline na nasa intro palang siya. Meron namang umiiyak, nag break na daw sila after 2 years. Yung isa naman, nanliligaw at umaasang may matatawag na siyang honey kinaumagahan. At sa kabilang dako, may gambling na nagaganap. SHIFT POINT. mamiso ang taya.. sali ka? calculator lang kelangan. Mukhang bistado niyo na mga naglalaro. Sino ba lageng nagdadala ng calculator? hehe. Kahit ganun kami nuon, masaya ang buhay namin lalo na kapag Foundation Days at Valentine's Day. Yan ang mga pista ng LFC. Kung may oktoberfest ang ibang bansa, eto ang beerfest namin. Dito namin nagagamit ang skills namin sa patintero. Nakikipag patintero kami sa mamang guard para makapasok sa gate. VICTORY! nakapasok kami. Wag ka nang maingay.. umpisa na ng battle of the bands.Kami lang dapat maingay. bakit, lasing ka ba?

1 comment:

attugal said...

mabuhay ang mga tambay!mabuhay ang lfc!kahit defunct na siya!mabuhay ang mga durugista!mabuhay ang mga sholbam! mabuhay ka vanessa herrero dahil sa blog na ito!

naway maging ehemplo ang ating pagkakaibigan sa lahat ng mga nilalang na walang mapuntahan, at walang kumakalinga..sanay makahanap sila ng kaibigang tulad mo,tulad ko at tulad ng mga tambay ng lfc..

mabuhay ka SHOLBAM!