Subscribe Now: google

Add to Google Reader or Homepage

Personal - Top Blogs Philippines
Custom Search

Sunday, April 5, 2009

Isang Munting Handog

umapak ako ng kolehiyo.punong puno ng pangarap at idelohiyo.
gusto ko maging nars,inhinyero o di kaya guro.
oo, magiging guro ako!
tulad ni emil na idolo ko.

leksyon ng katinuan,kagaguhan at kalokohan siyang naitanim sa utak kong musmos.
ganuon pa man, ako'y bumuo ng pangarap
hindi lamang ako ay magiging guro,
ako ay magiging abogado.

eto ang mga natutunan ko sa idolo ko,
hanapin mo kung sino ka sa mundong ito.
kung nasaan ang tinatawag mong iyo.
nang walang inaapakang mga tao.
at kahit baluktot ang iyong isip at gawa, ang resulta ay maganda.
higit sa lahat,
sa ginawa mo ay nahanap mo ang tunay na ligaya.

ngunit, netong nakaraang mga araw.
nakita ko ang mga nakita ng idolo ko.
mga katotohanang pilit niyang ikinwento nung kami pa ay kolehiyo
gamit ang mga salitang balot ng matatamis na euphemismo.

naunawaan ko,
nais niyang kami ay magising sa katotohanan ngunit kulang ang aming kaalaman nuon para siya ay maintindihan.

ngayon, nakita ko na nga at naintindihan ang kanyang ibig ipahiwatig.

malinaw na malinaw.

at dahil dito,ako ay malungkot dahil tama si emil.

ganun pala yun.

ang mapait na katotohanan.

salamat idolo ko dahil hinde lamang fundamentals ng political science ang natutunan ko kundi kung papaano lumaban sa karera ng buhay mo at pano bumangon kahit nalaman mo na nga ang masakit na katotohan.

kampay!

No comments: