Subscribe Now: google

Add to Google Reader or Homepage

Personal - Top Blogs Philippines
Custom Search

Friday, October 31, 2008

Buhay ng estudyante

tatayo nanaman ang mga tamad para magbanat ng buto,pilit gigising sa liwanag na hiwatig ng panibagong yugto. bago ang lapis at papel ngunit pagkatao'y naiwang himbing sa pagtulog. hindi parin dilat sa katotohanan ng umagang walang kasiguruhan. ayaw paring tanggapin ang nakaraa'y limot na. mga pangyayari ay tapos na at wala ng babalikan pa. babangon sa umaga na balot ng problema at sitwasyon, mga sitwasyong kelangan ng madaliang solusyon at mabibigat na desisyon na siyang huhulma o sisira sa mga pangarap. ano nga ba ang pangarap mo? yan ang tanong mo sa sarili mo.. meron nga ba? o sumusunod ka lang sa mga idinidikta ng mga puno at ng hangin sa paligid mo? saan ka pupulutin? alam nila kung saan sila patutungo, ikaw alam mo ba? mahirap maging matanda, ngunit mas mahirap tumanda ng walang direksyon. tama na ang pangongopya, pati pangalan ng katabi mo naisulat mo na. ikaw ba siya? yan ang isipin mo, kaibigan mo man siya, hindi ikaw siya. mag desisyon ka. saan mo ba talaga gustong pulutin? sa isang karerang masaya ka o sa karerang tinahak mo dahil sa dikta ng mga puno at hangin sa paligid mo?

hindi pa huli ang lahat.tara, mag kape muna tayo

No comments: